HOME BEEF CHICKEN PORK SEAFOOD VEGETABLE MERIENDA PASTA EXOTIC PROMOTE YOUR PAGE
I Love Lutong Pinoy is a website of collective list of Filipino recipes and cooking that are easy to do and served. Tara kainan na!

LIEMPO ala BISTEK






Mga Sangkap:
1 kilo Country Style Pork Belly or Liempo (cut into 2 inches long)
10 pcs. Calamansi
3/4 cup Soy Sauce
2 pcs. large size White Onion (cut into rings)
1 head minced Garlic
1/2 tsp. ground Black Pepper
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 
Salt to taste
Spring Onion or Leeks for garnish
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ang hiniwang karne ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
 
2.  Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang liempo hanggang sa mag-brown lang ng bahagya ang magkabilang side.
 
3.  Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang mga onion rings ng bahagya sa kaunting mantika at hanguin sa isang lalagyan.
 
4.  Sunod na igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay nito.
 
5.  Ilagay na ang na-pritong liempo at isama na din ang toyo.   Lagyan ng 1 tasang tubig at takpan.   Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
 
6.  Kung malambot na ang karne, ilagay ang katas ng calamansi at timplahan ng paminta at maggie magic sarap.  Hayaang kumulo pa ng mga 5 minuto.
 
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
 

Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang nilutong onion rings  sa ibabaw.
 















Close

I-Like mo ako para
makareceive ka ng masasarap
na lutuin